ISKWATER

 

1.Ano ang sentral na paksa ng Sanaysay?

-Ang sentral na paksa ng sanaysay tungkol sa kung ano ang buhay ng isang iskwater.

2. Mayroong  bang paksa na di tuwirang tinalakay sa teksto? Magbigay ng halimbawa.

-Tungkol sa isang kolehiyala na matangkad, maganda, sexy at iba-iba Ang kanyang naging boypren dahil ito ay hindi magkaugnay sa tema ng tema.

3. Ano ang layunin ng may-akda sa pagtalakay ng paksa?

-Ang layunin ng akda sa pagtalakay ng paksa ay upang ipaalam sa lahat na ang iskwater ngayon ay may nakatira na ring mayayaman na kung saan para lang sana sa mahihirap at may mga bagay na hindi pantay-pantay lalo na kung magkaiba ang istado sa buhay.

4. Ano-anong mga ideya ang sinasang-ayunan mo sa sanaysay? Bakit? Ano-ano naman ang mga hindi mo sinasang-ayunan? Bakit?

-Ang ideya na aking sinang-ayunan ay ang pakikipaglaban nila sa kanilang karapatan bilang mamamayan na walang sakitan at sa maayos na usapan dahil naniniwala ako na ang lahat ng bagay ay hindi kailangan ihantong sa mga sakitan na magdudulot ng kapahamakan. At nagpapakita ito na kung tayo ay sama-sama at magkakaisa hindi ito madadaig nino man basta maganda ang ating mithiin para sa lahat. At ang hindi ko naman sinang-ayunan ang pagpapaalis ng gobyerno sa mga tao sa iskwater dahil kahit gustuhin man nila na umalis ay wala silang malilipatan na ibang lugar.

5. Paano ka nakakaugnay sa mga kaisipang nakalahad sa teksto? Ipaliwanag.

-Nakakaugnay ako sa kanilang kaisipan na nasa teksto dahil ang nasa salaysay ay patungkol sa kahirapan at nahihirapan na makuha ang gusto. Kaya ako ay nagpupursigi sa aking pag-aaral upang makuha ko at makamit ko ang aking minimithi at kahit anong pagsubok na aking haharapin dahil alam ko ay malalagpasan ko sa tulong ng ating Diyos .

6. Gaano kahalaga ang pagtalakay ng sanaysay sa paglilinaw sa konsepto ng iskwater? Nabago ba nito ang pananaw mo sa kahulugan ng iskwater? Ipaliwanag.

-Para saan nakahalaga ito upang ipamulat sa lahat kung ano ang buhay ng isang iskwater at ang kanilang naging karanasan. Ang unang naiisip mo kapag naririnig ang salitang lupa at walang mapatayuan ng sariling bahay subalit ngayon sa paglipas ng panahon hindi natin namamalayan nagbabago ito na may nakatira naring mayayaman dito.

7. Paano maiuugnay ang teksto sa realidad ng lipunan sa kasalukuyan? Ipaliwanag.

-Basi sa aking obserbasyon ang ganitong sistema ng buhay ay patuloy parin ang mga iskwater ay walang pagpapabago marami parin ang naghihirap at umaasa sa tulong ng ating gobyerno. Isa rin sa  problema ang paglaki ng populasyon at sa kinakaharap nating pandemya na kung saan mas nahihirapan ang ating gobyerno na makapag-bahagi ng tulong ngunit patuloy parin sila umaasa sa tulong na balang araw ay may pagbabago.


Mungkahing Gawain!


1. Gawan ng concept map ang salitang iskwater sa loob ng kahon





Comments